Ministri ng Komersyo ng Tsina: Tinututulan ang sangsyon ng Amerika sa mga bahay-kalakal na Tsino

2024-05-10 14:20:56  CMG
Share with:

Kaugnay ng sangsyon kamakailan ng Amerika sa mga bahay-kalakal at indibiduwal ng Tsina na may kinalaman sa pagsuporta ng industriyang militar at enerhiya ng Rusya, ipinahayag kahapon, Mayo 9, 2024 ni He Yadong, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na isinasagawa ng Amerika ang kalakalan sa Rusya at kasabay nito, isinasagawa rin nito ang sangsyon sa mga bahay-kalakal at indibiduwal ng Tsina na may kinalaman sa Rusya.


Ito aniya ay tipikong aksyon ng hegemonismo at pagbabanta sa kabuhayan at matatag na tinututulan ito ng panig Tsino.


Sinabi ni He na palagiang tinututulan ng panig Tsino ang unilateral na sangsyon ng walang basehan ayon sa pandaigdigang batas at awtoridad ng United Nations Security Council.


Saad pa niya na gagamitin ng panig Tsino ang mga hakbangin para pangalagaan ang lehitimong karapatan ng mga bahay-kalakal nito.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil