Tsina sa Amerika, dapat itigil ang iresponsableng paninirang-puri

2024-05-11 16:12:04  CMG
Share with:

Sinabi kamakailan ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, na pagdating sa pandaigdigang kalakalan, ang Tsina ay dumedepende sa “unfair advantage” sa halip ng “comparative advantage.”

 

Kaugnay nito, ipinahayag Mayo 10, 2024, ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang naturang pananalita ng Amerika ay labag sa sentido komun sa ekonomiya at binabalewala ang mga obdyektibong katotohanan.

 


Tinukoy ni Lin na sinusunod ng ekonomiyang Tsino ang prinsipyo ng pandaigdigang kalakalan at batas ng ekonomiya ng pamilihan, umaasa sa napakalaking bentahe nito sa pamilihan, mayroong kumpletong pasilidad, masagana ang mapagkukunan ng paggawa at may ganap na kompetisyon pagdating sa pamilihan.

 

Aniya, hiniling ng Tsina sa Amerika na itigil ang iresponsableng paninirang-puri nito sa Tsina at pag-generalize ng konsepto ng pambansang seguridad, at ayusin nito ang mga polisiya at gawain ng non-market.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil