Mahigit 160 Tsino na nagsasagawa ng offshore gambling sa Pilipinas, magkasamang pinauwi ng panig Tsino’t Pilipino

2024-05-14 15:30:40  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas Mayo 14, 2024, muling nagtulungan ang mga departamento ng pagpapatupad ng batas ng Tsina at Pilipinas, at mahigit 160 mamamayang Tsino na nagsasagawa ng offshore gambling sa Pilipinas ang ibinalik sa Tsina.

 

Ito ang isa pang kapansin-pansing bunga ng kooperasyon ng dalawang bansa sa pagpapatupad ng batas, at lubos na nagpapakita ito ng matibay na determinasyon ng kapuwa panig sa magkasanib na pagbibigay-dagok sa mga krimeng gaya ng dayaan at pangingidnap sa industriya ng offshore gambling, anang pahayag.

 

Ayon sa pahayag, ipinagbabawal ng batas ng Tsina ang anumang porma ng pustahan, at mga aksyong ilegal na kinabibilangan ng online na pagsusugal, pustahan ng mga mamamayang Tsino sa ibayong dagat, pagtatayo ng casino sa ibayong dagat at pang-aakit ng mga sugarol na Tsino.

 

Mabigat ding binibigyang-dagok ng pamahalaaang Tsino ang pustahan, dagdag ng pahayag.

 

Patuloy na palalakasin ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas ang pragmatikong kooperasyon sa panig Pilipino sa pagpapatupad ng batas, at susuportahan ang lubusang pagresolba ng Pilipinas sa kaukulang problema ng industriya ng offshore gambling sa lalong madaling panahon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil