Dagdag taripa ng Amerika sa mga produktong Tsino, kinondena ng Tsina

2024-05-15 14:59:17  CMG
Share with:

Ipinahayag, Mayo 14, 2024 ng Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, ang matinding pagtutol sa dagdag taripa ng Amerika sa mga produktong ina-angkat mula sa Tsina.

 

Aniya, iniharap na ng panig Tsino ang solemnang representasyon kaugnay nito.

 

Kabilang sa mga produktong nabanggit ay de-kuryenteng sasakyan, bakal, aluminyo, semikonduktor, baterya, mahahalagang mineral, solar cell, at crane.

 

Anang tagapagsalita, ipinakikita ng hakbang ng Amerika ang pagsasapulitika sa mga isyu ng kabuhayan at kalakalan, at lubos itong ikinababahala ng panig Tsino.

 

Saad pa niya, ang karagdagang taripa ay malubhang makakapinsala sa kooperasyon ng dalawang bansa.

 

Hinihimok aniya ng panig Tsino ang panig Amerikano na iwasto ang maling aksyon at kanselahin ang nasabing hakbang.


Gagamitin ng panig Tsino ang mga kinakailangang hakbangin para pangalagaan ang sariling kapakanan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio