Sariling karapatan, pangangalagaan at gaganti alinsunod sa batas ang Tsina kung magmamalabis ang Pilipinas sa SCS

2024-05-15 17:08:09  CMG
Share with:

Kaugnay ng paglalayag ng mga sibilyang Pilipino sa mga komersyal na bapor-pangisda patungong nakapaligid na rehiyong pandagat ng Huangyan Dao, inihayag Miyerkules, Mayo 15, 2024 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Huangyan Dao ay katutubong teritoryo ng Tsina, at may di-mapapabulaanang soberanya ang bansa rito at nakapaligid na katubigan.

 

Noong 2016, ginawa aniya ng panig Tsino ang areglo sa normal na pangingisda ng ilang maliliit na bangka ng Pilipinas sa nakapaligid na rehiyon ng Huangyan Dao, habang isinasagawa ang pangangasiwa at pagsusuperbisa sa kaukulang aktibidad alinsunod sa batas.

 

Kung magmamalabis ang panig Pilipino sa kabaitan ng panig Tsino, pangangalagaan nito ang sariling karapatan at gaganti ayon sa batas, at ang kaukulang pananagutan at bunga ay dapat isabalikat ng panig Pilipino, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio