Pagsariwa sa kasaysayan ng relasyong Sino-Pilipino, idinaos

2024-05-23 10:33:44  Chinese Embassy in Philippine
Share with:

Isang aktibidad ang idinaos kamakailan ng Embahadang Tsino sa Pilipinas bilang pagsariwa sa kasaysayan ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.


Ang 2024 ito ay ang ika-75 anibersaryo ng kauna-unahang pagdalaw sa Tsina nina dating Unang Ginang Imelda Marcos at ng noon ay binatilyo pang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Sa susunod na taon, ay siya namang ika-75 anibersaryo ng pormal na pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina’t Pilipinas.


Dumalo sa nasabing aktibidad ang halos isandaang panauhin mula sa iba’t-ibang sektor ng Pilipinas na kinabibilangan ni dating Unang Ginang Imelda Marcos at mga diplomatang Tsino.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio