Magkasanib na ensayong militar sa paligid ng Taiwan, isinasagawa ng PLA

2024-05-23 15:13:32  CMG
Share with:

Sinimulang isagawa, mula Mayo 23 hanggang 24, 2024 ng Eastern Theater Command ng People’s Liberation Army (PLA) ng Tsina ang magkasanib na ensasyong militar na may code name na “Joint Sword-2024A” sa paligid ng Taiwan.

 


Ang nasabing pagsasanay ay isinasagawa sa Taiwan Straits, hilaga, timog at silangang bahagi ng Taiwan, at mga isla ng Kinmen, Matsu, Wuqiu at Dongyin.

 

Ayon kay Li Xi, Tagapagsalita ng Eastern Theater Command, na kasali sa ensayong militar ang mga serbisyong militar na kinabibilangan ng mga hukbong panlupa, pandagat at panghimpapawid at rocket force.

 

Nakapokus aniya ang nasabing pagsasanay sa joint sea-air combat-readiness patrol, magkasanib na pagkuha ng comprehensive battlefield control, at joint precision strike sa masususing target.

 

Sinasanay din ang mga kakayahan sa pamamatrolya ng mga bapor-pandigma at eroplano sa nakapaligid na rehiyon ng Taiwan, at integradong operasyon sa loob at labas ng island chain, upang subukin ang kakayahan ng mga elemento ng theater command sa joint real combat, dagdag niya.

 

Ayon kay Li, ang ensayong militar ay mabigat na kaparusahan sa mga mapangwatak na aksyon ng mga puwersa ng “pagsasarili ng Taiwan,” at babala sa pakikialam at probokasyon ng puwersang panlabas.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio