Espesyal na sugo ng Pangulong Tsino, dumalo sa seremonya ng inagurasyon ng pangulo ng Comoros

2024-05-27 14:23:51  CMG
Share with:

Dumalo, Mayo 26, 2024 sa lunsod Moroni si He Baoxiang, Espesyal na Sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangalawang Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), sa seremonya ng inagurasyon ni Pangulong Azali Assoumani ng Comoros.

 

Sa naunang pakikipagtagpo ni Pangulong Azali Assoumani, Mayo 25, kay He, ipinahayag ng panig Tsino ang lubos na pagpapahalaga sa relasyon ng dalawang bansa.

 

Ani He, kasama ng Comoros, nais isakatuparan ng panig Tsino ang mahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, pasulungin ang de-kalidad na konstrusyon ng Belt and Road cooperation, at pahigpitin ang aktuwal na kooperasyon sa ilalim ng mga balangkas na gaya ng Forum on China-Africa Cooperation at China-Arab States Cooperation Forum.

 

Pinasalamatan naman ni Azali ang malaki at pangmatagalang tulong ng Tsina sa konstruksyon ng kanyang bansa.

 

Patuloy at matatag aniyang igigiit ng Comoros ang prinsipyong isang-Tsina at kasama ng panig Tsino, palalalimin ng kanyang bansa ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at pasusulungin ang bilateral na relasyon sa mas mataas na antas.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio