Mensaheng pambati, ipinaabot ng Premyer Tsino sa PM ng Croatia

2024-05-29 16:05:48  CMG
Share with:

Sa mensahe, Mayo 24, 2024 kay Andrej PLENKOVIĆ, bilang pagbati sa kanyang muling panunungkulan bilang punong ministro ng Croatia, ipinahayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na sumasagana ang komprehensibong kooperatibong partnership ng dalawang bansa, at mabunga ang aktuwal na kooperasyong sinasagisag ng Tulay Pelješac.

 

Ani Li, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Croatia, at nakahandang ibahagi ng Tsina sa Crotia ang bagong pagkakataong dulot ng modernisasyong Tsino.

 

Umaasa ang Tsina na magsisikap ang dalawang panig para patibayin ang tradisyonal na pagkakaibigan at pulitikal na pagtitiwalaan sa isa’t-isa, palakasin ang kooperasyon sa imparstruktura, at pasulungin ang win-win situwasyon at mutuwal na kapakinabangan, para mapasulong pa ang relasyon ng dalawang panig, saad ni Li.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio