Muling tinanggihan, Mayo 27, 2024, ng ika-77 World Health Assembly (WHA) ang mosyon ng iilang bansa “upang imbitahan ang Taiwan sa WHA bilang tagamasid.”
Ito na ang ika-15 pagtanggi ng WHA sa Taiwan bilang tagamasid.
Ipinakikita nitong malawakang kinikilala ng komunidad ng daigdig ang prinsipyong isang-Tsina, at ito ay agos ng panahon.
Nauna rito, inihayag ni Lai Ching-te, puno ng rehiyong Taiwan ng Tsina, na ang Taiwan at Chinese mainland ay hindi magkabalikat.
Kasabay nito, palagian ding itinatanggi ng Democratic Progressive Party (DPP) ng Taiwan ang prinsipyong isang-Tsina nitong nakaraang 8 taon.
Ang prinsipyong isang-Tsina ay pundamental na prinsipyong itinakda ng Resolusyon Bilang 2758 ng United Nations General Assembly (UNGA) at Resolusyon Bilang 25.1 ng WHA.
Ang pagkilala sa prinsipyong ito ay paunang kondisyon din ng pagsapi ng Taiwan ng Tsina sa mga pandaigdiang organisasyon na gaya ng WHA.
Ang pagtanggi ng WHA sa nabanggit na mosyon ay alinsunod sa pundamental na prinsipyo ng Karta ng UN at relasyong pandaigdig.
Sa katotohanan, palaging pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang kalusugan at biyaya ng mga kababayang Taiwanes.
Sa paunang kondisyon ng pagtanggap sa prinsipyong isang-Tsina, maaaring dumalo ang mga dalubhasang medikal at pangkalusugan ng Taiwan sa mga pulong teknikal ng World Health Organization (WHO).
Sapat at maalwan ang tsanel para sa pagsali ng rehiyon ng Taiwan sa pag-uugnayan at pagtutulungan ng WHO sa larangang teknikal.
Ibig-sabihin, ang mosyon ng iilang bansa “upang imbitahan ang Taiwan sa WHA bilang tagamasid” ay pulitikal na palabas lamang at hindi para sa benebisyo ng rehiyong Taiwan at mga Taiwanese.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio