“Itataguyod ng panig Tsino ang Ika-2 China-Arab States Summit sa Tsina sa 2026, at magsisilbi itong isa pang milestone sa relasyong Sino-Arabe.”
Inanunsyo ito ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-10 Pulong Ministeryal ng China-Arab States Cooperation Forum, at pinakamahalagang bunga rin ng pulong.
Iniharap ni Xi ang direksyon ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at mga bansang Arabe sa susunod na hakbang, at mungkahi sa pagbuo ng “5 cooperation framework,” para pabilisin ang pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at mga bansang Arabe.
Sa kasalukuyan, nasa kaligaligan at transpormasyon ang daigdig. Nahaharap ang Tsina at mga bansang Arabe sa tungkuling pangkaunlaran ng pagpapasigla ng sariling nasyon, at pagpapabilis ng konstrukyon ng bansa, kaya sabik na sabik ang mithiin nila sa pagpapalakas ng kooperasyon.
Ang kasalukuyang pulong ay unang pulong ministeryal pagkatapos ng kauna-unahang China-Arab States Summit, kaya makabuluhan ito.
Bukod pa riyan, magkakasamang dumalo sa seremonya ng pagbubukas ang mga lider ng apat na bansang Arabe na kinabibilangan ng Bahrain, Ehipto, Tunisia at United Arab Emirates (UAE), at ito ay nagpapakita ng komong hangarin at matibay na determinasyon ng magkakabilang panig sa pagbubuklud-buklod, pagtutulungan, at pagpapasulong sa relasyong Sino-Arabe sa makabagong antas.
Inihayag ng panig Tsino ang pagbuo ng “5 cooperation framework” na kinabibilangan ng mas masiglang balangkas sa inobasyon; mas pinalawak na balangkas sa kooperasyon sa pinansya at pamumuhunan; mas maraming balangkas sa kooperasyon sa enerhiya; mas balanseng balangkas sa ugnayan ng kabuhayan at kalakalan na may mutuwal na kapakinabangan; at mas malawakang balangkas sa pagpapalitang tao-sa-tao.
Ang pagbuo ng nasabing limang balangkas ay walang humpay na magpapalawak ng pagpapalitan ng teknolohiya, pondo, produkto at mga tauhan, at maghahatid ng benepisyo sa mas maraming mamamayang Tsino’t Arabe.
Sa pamamagitan ng paglabas ng magkasanib na pahayag ng Tsina at mga bansang Arabe sa isyu ng Palestina, ipinadala ng pulong ang malinaw na impormasyon sa daigdig: hindi dapat walang hanggan ang digmaan, hindi dapat permanenteng lumiban ang katarungan, at higit sa lahat, hindi dapat tikis na baguhin ang two state solution.
Ginawang bagong simula ang kasalukuyang pulong, tiyak na lilikhain ng Tsina at mga bansang Arabe ang mas maluningning na kinabukasan ng kanilang kooperasyon, at patitingkarin ang mas maraming katatagan at katiyakan sa ligalig na daigdig.
Salin: Vera
Pulido: Ramil