Mga ministro ng depensa ng Tsina at Amerika, nagpalitan ng kuru-kuro hinggil sa isyu ng Taiwan, SCS at iba pa

2024-05-31 16:29:25  CMG
Share with:


Sa panahon ng Shangri-La Dialogue sa Singapore, isinalaysay Biyernes, Mayo 31, 2024 ni Tagapagsalita Wu Qian ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina na nag-usap sa Singapore sina Dong Jun, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, at Lloyd Austin, Kalihim ng Depensa ng Amerika.

 

Aniya, nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa relasyon ng dalawang bansa at dalawang hukbo, isyu ng Taiwan, isyu ng South China Sea, krisis ng Ukraine, sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel, at iba pa.

 

Naging positibo, pragmatiko, at konstruktibo ang nasabing estratehikong pag-uugnayan, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil