Pagtatagpo sa gitna ng Tsina at Amerika, kailangan tungo sa sustenableng pag-unlad

2024-04-22 16:16:29  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Harvard Kennedy School China Conference 2024, Abril 20, 2024, inihayag ni Xie Feng, Embahador ng Tsina sa Amerika, na kung hindi magmamatigas ang Amerika sa Tsina, ilulunsad ang mga hakbangin at aksyon sa pagpapatupad ng mga komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at pasusulungin ang pagsasakatuparan ng "San Francisco Vision," maigagarantiya ang pagtahak ng relasyong Sino-Amerikano sa matatag, malusog at sustenableng landas ng pag-unlad.

 


Diin ni Xie, dapat magkasamang buuin ng dalawang bansa ang tumpak na kamalayan sa isa’t-isa, mabisang kontrolin ang mga alitan, pasulungin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, isabalikat ang responsibilidad ng malalaking bansa, at pasulungin ang pagpapalitang tao-sa-tao.

 

Kasali sa kumperensya ang halos 300 personahe na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa sirkulo ng pulitika, komersyo at akademiko ng Tsina at Amerika, mga guro’t estudyante ng Harvard University, at mga mag-aaral na Tsino sa Amerika.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio