Mga lider ng Tsina at Malaysia, nagpalitan ng pagbati kaugnay ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng bilateral na relasyon

2024-05-31 16:16:16  CMG
Share with:

Nagpalitan Biyernes, Mayo 31, 2024 ng mga mensaheng pambati sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Sultan Ibrahim Sultan Iskandar, Kataas-taasang Lider ng Malaysia, kaugnay ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng bilateral na relasyon.

 

Diin ni Xi, nasa bagong simulang historikal ang relasyong Sino-Malaysian.

 

Kasama ni Sultan Ibrahim, nakahanda aniya siyang patnubayan ang pagtamo ng konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Malaysia ng makabagong bunga, ihatid ang mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, gawin ang mas malaking ambag sa kasaganaan at katatagan ng rehiyon, at magkasamang likhain ang susunod na maluningning na 5 dekada ng bilateral na relasyon.

 

Saad naman ni Sultan Ibrahim, sa okasyon ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong Malaysian-Sino, kabit-bisig na aabante ang Malaysia, kasama ng Tsina, upang likhain ang kasaganaan, at tuluy-tuloy na ihatid ang biyaya sa kani-kanilang mga mamamayan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil