Hunyo 2, 2024, Beijing – Upang mapasulong ang kasaganaang akademiko at kultural, ipinanawagan ng mga kalahok sa seminar hinggil sa pag-unlad ng modernong sibilisasyong Tsino ang pangangailangan para sa mas maraming bungang akademiko, kung saan, ipinagsasama-sama ang sinauna at modernong kaalaman, at kulturang Tsino’t kanluranin.
Ipinagdiinan din sa pulong ang pagbuo ng isang grupo ng mga dalubhasa ng siyensiyang panlipunan, para pabilisin ang pag-unlad ng independiyenteng sistema ng kaalaman ng Tsina.
Dumalo at nagtalumpati sa naturang pagtitipon si Li Shulei, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Puno ng Departamento ng Publisidad ng Komite Sentral ng CPC.
Salin: Vera
Pulido: Rhio