Sa kanyang pakikipagtagpo Lunes, Hunyo 3, 2024 sa Beijing kay Dr. James S.C. Chao, Tagapangulo ng Foremost Group, sinabi ni Pangalawang Pangulong Han Zheng ng Tsina na sa kasalukuyan, ang pinakamahalagang tungkulin ng Tsina at Amerika ay pagpapatupad ng mga komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, pagpapalakas ng pagpapalitan at pagtutulungan sa kabuhayan, kalakalan, at kultura, at pagpapasulong ng bilateral na relasyon sa matatag, matibay, at sustenableng landas ng pag-unlad.
Umaasa aniya siyang bilang isang kasali, saksi at tagapag-ambag sa kooperasyong Sino-Amerikano, patuloy na gagawa ang Foremost Group ng positibong ambag, upang pasulungin ang pag-unlad ng relasyong Sino-U.S. at palakasin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Binigyan naman ni Chao ng mataas na pagtasa ang napakalaking tagumpay ng pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan ng Tsina.
Aniya, patuloy at malalimang gagalugarin ng Foremost Group ang merkadong Tsino, at aktibong pasusulungin ang bilateral na kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan at pagpapalitang tao-sa-tao ng Amerika at Tsina.
Salin: Vera
Pulido: Ramil