Pagbabawas sa taripa para sa 134 na eytem mula sa rehiyon ng Taiwan, sususpendihin ng Chinese mainland

2024-05-31 15:34:52  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag ng Customs Tariff Commission ng Konseho ng Estado ng Tsina Biyernes, Mayo 31, 2024, sususpendihin ng Chinese mainland ang pagbabawas sa taripa para sa 134 na eytem mula sa rehiyon ng Taiwan, simula Hunyo 15, dahil sa di-pagsasagawa ng Taiwan ng mabisang hakbangin sa pagpapaalis ng mga restriksyong pangkalakalan sa mainland.

 

Anang pahayag, nagtatamasa ang nasabing 134 na eytem ng preperensyal na taripa sa ilalim ng Economic Cooperation Framework Agreement ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil