CMG Komentaryo: Berdeng Pag-unlad

2024-06-05 10:39:38  CMG
Share with:

Ang Hunyo 5 ay World Environment Day. Sa kasalukuyan, kinakaharap ng komunidad ng daigdig ang hamon ng kalamidad ng kapaligiran na dulot ng sangkatauhan mismo.

 

Kung paano sinabayan ang pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, pati na rin ang pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ideyang berdeng pag-unlad.

 

Ang ideyang berdeng pag-unlad ay hindi lamang nagtatampok sa paglaki ng kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP). Ipinalalagay nitong ang pangangalaga sa ekolohikal na kapaligiran ay katumbas ng pangangalaga sa produktibidad at ang pagpapabuti sa ekolohikal na kapaligiran ay katumbas ng pagpapasulong ng produktibidad.

 

Halimbawa, ang pangangalaga sa katatagan ng sistemang ekolohikal ay maaaring magkaloob ng mga produkto ng serbisyo para sa sangkatauhan na gaya ng de-kalidad na produktong agrikultural, at lugar na panturista.

 

Upang isakatuparan ang berdeng pag-unlad, binalangkas ng Tsina ang mga mahigpit na batas at sistema ng pangangalaga sa kapaligiran, at isinulong ang pagbabago ng estruktura ng enerhiya at industriya na gaya ng paggamit ng pananaliksik at malawak na paggamit ng teknolohiya ng pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng emisyon.

 

Ayon sa datos, noong nakaraang 20 taon, ang bagong karagdagang saklaw ng gubat ng Tsina ay katumbas ng halos sangkaapat ng bagong karagdagang saklaw ng gubat ng buong daigdig.

 

Ibig-sabihin, ang praktika ng Tsina sa ideyang berdeng pag-unlad ay hindi lamang nakakabuti sa sariling pag-unlad, kundi naging responsable din sa pag-unlad ng buong daigdig.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Achim Steiner, Direktor ng United Nations Environment Programme (UNDP), na ang praktika ng berdeng pag-unlad ng Tsina ay nagkakaloob ng isang modelo sa daigdig hinggil sa pagbabago ng kabuhayang pandaigdig tungo sa direksyon ng berdeng kabuhayan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil