Bilang tugon sa mga paratang ng Amerika sa umano’y may “labis na produktibong kapasidad” ang Tsina, inilunsad kamakailan ng China Global Television Network ng China Media Group (CMG-CGTN) ang isang sarbey.
Ayon dito, ipinalalagay ng 91.49% respondiyente na walang anumang batayan ang nasabing paratang ng panig Amerikano. Anila, ang totoong labis ay ang napakatibay na “proteksyonismong may istilong Amerikano” sa halip ng produktibong kapasidad ng Tsina.
Sinabi ng isang netizen na ang namumukod na katangian ng Amerika ay pagbibigay-pansin ng sariling kapakanan lang.
Itinataguyod ng Amerika ang malayang kalakalan habang mayroong itong kompetitibong bentahe, at binabatikos ang ibang bansa sa katuwirang umano’y “labis na produktibong kapasidad” habang wala itong bentahe.
Di kayang kunin ng Amerika ang tiwala mula sa komunidad ng daigdig dahil sa ginagawa nitong “double standard.”
Sa nasabing sarbey, sinabi ng 94.66% respondiyente na ang pananalita at kilos ng Amerika ay purong proteksyonismo.
Sinabi din ng isang netizen na palagiang isinasagawa ng Amerika ang “double standard,” at alam ito ng buong daigdig.
Hanggang noong 2020, naibigay ng Tsina ang halos 60% new energy generation capacity mula sa solar photovoltaic, wind and electric vehicles sa buong daigdig.
Kaugnay nito, binigyan ng 88.33% respondiyente ng papuri ang ibinibigay na pagsisikap ng Tsina sa pagbabawas ng emisyon; sinagot naman ng 92.02% respondiyente na dapat pag-aralan ng Amerika mula sa Tsina at palakasin ang laang-gugulin sa luntiang kaunlaran at pagbabawas ng emisyon.
Ipinahayag naman ng isang netizen na kahanga-hanga ang natamong progreso ng Tsina sa rebolusyon ng enerhiya, lalong lalo na, ang paggamit ng mga malinis na enerhiya ay mabisang nababawasan ang polusyon.
Ang nasabing sarbey ay inilabas ng CGTN sa mga plataporma ng wikang Ingles, Espanyol, Pranses, Arabe, at Ruso.
Sa loob ng 24 oras, sumali rito at nagpahayag ng sariling kuru-kuro ang 6,848 netizen.
Salin: Lito
Pulido: Ramil
CMG Komentaryo: Bakit kinakailangan ng daigdig ang kapasidad ng berdeng produksyon ng Tsina?
Paratang ng ilang bansang Kanluranin, mariing tinututulan ng panig Tsino
CMG Komentaryo: Mga kamalian ng Amerika sa umano’y “overcapacity” ng Tsina
Di-umano’y "labis na produktibong kapasidad," mariing tinutulan ng Tsina
CMG Komentaryo: Walang overcapacity ang Tsina sa bagong enerhiyang kotse