Kaugnay ng Marine Aviation Support Activity (MASA) 24 ng Pilipinas at Amerika, sinabi Biyernes, Hunyo 14, 2024 ni Tagapagsalita Zhang Xiaogang ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina na laging naninindigan ang bansa na ang kooperasyong pandepensa ng mga bansa ay hindi dapat nakatuon sa ika-3 panig, at hindi rin dapat makasira sa seguridad at katatagan ng rehiyon.
Aniya, muling napatunayan ng kaukulang pananalita at kilos ng Pilipinas at Amerika, na sino ang pumupukaw ng komprontasyong militar sa South China Sea, at sino ang nagpapasidhi ng maigting na kalagayang panrehiyon.
Hindi kailaman’y nagbabala ang Tsina sa iba, pero walang takot din ito sa banta ng sinuman, at buong tatag na ipinagtatanggol ang sariling soberanyang teritoryal at karapatan’t kapakanang pandagat.
Salin: Vera
Pulido: Ramil