Ika-2 Track 1.5 Dialogue ng Tsina at Amerika, idinaos

2024-06-14 14:57:25  CMG
Share with:

Idinaos Huwebes, Hunyo 13, 2024 sa Beijing ang ika-2 Track 1.5 Dialogue ng Tsina at Amerika na may temang “sharing perspectives and finding solutions on key and urgent issues.”


Dumalo sa diyalogong ito ang halos 30 kinatawan mula Tsina at Amerika na kinabibilangan ni John Thornton, co-chair ng Board of Trustees of the Asia Society na nakisali sa tapat, malalim at konstruktibong pagpagpalitan.


Ipinalalagay ng mga kalahok ng kapwa panig na ang matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano ay angkop sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at komong ekspetasyon ng komunidad ng daigdig.


Ipinalalagay din nilang dapat igiit ng Tsina at Amerika ang mapayapang pakikipamuhayan para maiwasan ang komprontasyon at sagupaan, palalimin ang pagkakaunawaan at pagtitiwalaan sa isa’t isa, pahigpitin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, pagbabago ng klima, kalusugan, at artificial intelligence at palawakin ng pagpapalitan ng kultura at tao-sa-tao, lalong lalo na ng pagpapapalagayan ng mga kabataan.


Nanawagan din ang mga kalahok na pahigpitin ng dalawang bansa ang pagpigil at pagkontrol sa mga panganib, at maayos na hawakan ang mga alitan.


Sumang-ayon ang kapwa panig na patuloy na palalimin ang diyalogo at pagpapalitan para pasulungin ang matatag at malusog na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.


Ang diyalogong ito ay magkasamang itinaguyod ng Internasyonal na  Departamento ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Asia Society ng Amerika.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil