Isang mensahe ang ipinadala Hunyo 14, 2024 (lokal na oras) ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Cyril Ramaphosa bilang pagbati sa kanyang panunungkulan muli bilang Pangulo ng Timog Aprika.
Sa mensahe, tinukoy ni Xi na malalim ang pagtitiwalaang pulitikal ng Tsina at Timog Aprika, at mabunga ang kanilang pragmatikong kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.
Pinahahalagahan aniya ni Xi ang pag-unlad ng relasyon sa Timog Aprika.
Kasama ni Pangulong Cyril Ramaphosa, nakahandang magsikap si Xi upang mapasulong pa ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa at kapit-bisig na makapagbigay ng ambag para sa kapayapaan, katatagan at kasaganaang pandaigdig, diin pa ni Xi.
Salin: Lito
Pulido: Ramil