Libro ni Xi Jinping, isinapubliko sa banyagang lengguwahe

2024-06-17 16:24:05  CMG
Share with:

Isinapubliko kamakailan ang una at ikalawang bolyum ng "Selected Readings from the Works of Xi Jinping" sa wikang Prenses, Ruso, Arabe at Espanyol.

Laman ng nasabing libro ang mga mahalagang artikulo ni Xi mula Nobyembre ng 2012 hanggang Oktubre ng 2022.

 

Layon nitong komprehensibong ipaunawa sa mga dayuhan ang kaisipan ni Xi Jinping hinggil sa “Sosyalismong may Katangiang Tsino sa Bagong Panahon” at mga pangunahing ideya ng Modernisasyong Tsino.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio