Ayon sa datos na inilabas ng pamahalaang Tsino, nananatiling matatag ang takbo ng kabuhayang Tsino noong nagdaang Mayo.
Halimbawa, ang industrial added value above designated size ng buong bansa ay lumaki ng 5.6% kumpara sa gayuding panahon ng taong 2023.
Mula noong Enero hanggang Abril ng kasalukuyang taon, ang tubo ng mga bahay-kalakal sa industriya ay lumaki ng 4.3% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2023.
Pinapalakas nito ang kompiyansa ng pamumuhunan ng pondong dayuhan sa pamilihang Tsino.
Ang pamilihang Tsino ay isa sa mga pinakamalaking pamilihan sa buong daigdig, hindi lamang para sa pamumuhunan, kundi para sa konsumo.
Ayon sa datos, noong unang limang buwan ng taong ito, ang halaga ng retail sales ng industriya ng serbisyo ng Tsina ay lumaki ng 7.9% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2023.
Ang bolyum ng pagbebenta ng mobile phone na gaya ng Iphone sa nagdaang Abril ay tumaas ng 52% kumpara sa Abril ng taong 2023.
Habang ang mayamang talento at sulong na teknolohiya ng Tsina ay nakakatulong sa inobasyon at paggamit ng mga produkto ng dayuhang kompanya.
Ang mga niluluwas na produktong Tsino ay nagpapasigla rin sa konsumo ng pamilihang pandaigdig at pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
Kamakailan, idiniin ng pamahalaang Tsino na dapat ibayo pang pasulungin ang de-kalidad na pagbubukas sa labas at gamitin ang mga hakbangin na gaya ng pagpapalawak ng pagpasok sa pamilihang Tsino, patakaran ng visa-free at pagpapasulong ng pandaigdigang kooperasyon at pagpapalitan sa agham at teknolohiya.
Ang mga ito ay hindi lamang nakakabuti sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino, kundi nagkakaloob ng pagkakataon para sa kaunlaran ng mga dayuhang kompanya.
Masasabing ang pamilihang Tsino ay magandang pagpipilian pa rin para sa mga dayuhang kompanya.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil