Pagliligaw ng Pilipinas sa opinyong-publiko, dapat itigil – MOFA

2024-06-24 17:21:07  CMG
Share with:

Inihayag, Hunyo 23, 2024, ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang Pilipinas ay hindi natatakot kaninuman, at base sa kasaysayan, hindi rin ito sumusuko sa anumang bansa.

 

Patuloy rin aniyang pangangalagaan ng kasalukuyang pamahalaan ang kalayaan, karapatan, at kapakanan ng Pilipinas.

 

Kaugnay nito, sinabi ngayong araw ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na malinaw ang katotohanan sa alitang pandagat ng Tsina at Pilipinas.

 

Maraming beses na rin aniyang ibinahagi ng Tsina ang mga kinauukulang kalagayan at solemnang paninindigan.

 

Hinihimok ng Tsina ang Pilipinas, na itigil ang probokasyon at pagliligaw sa opinyong-publiko ng daigdig, dagdag niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio