Kaugnay ng ulat ng Financial Times hinggil sa lihim na pagpapatibay ng panig militar ng Pilipinas ng nakasadsad na BRP Siera Madre, inihayag ngayong araw, Hunyo 21, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA) na ang kaukulang ulat ay muling nagpapatunay na purong kasinungalingan ang pahayag ng Pilipinas na naghahatid lamang ito ng pang-araw-araw na suplay sa nakasadsad na bapor sa Ren’ai Jiao.
Aniya, sa katunayan, palagiang nagdadala ang panig Pilipino ng mga materyales para sa pagkukumpuni at pagpapatibay, maging ng sandata para sa permanenteng pagsakop sa Ren’ai Jiao.
Ang aksyon ng panig Pilipino ay malubhang lumalapastangan sa soberanya ng Tsina, di katanggap-tanggap ito ng panig Tsino, at buong tatag na gagantihan ito alinsunod sa batas at mga regulasyon, dagdag niya.
Diin ni Lin, napakalinaw ng sanhi ng kasalukuyang situwasyon sa Ren’ai Jiao: lumabag ang panig Pilipino sa sariling pangako, tumanggi sa pagpapaalis ng bapor-pandigma nito na ilegal na nakasadsad sa Ren’ai Jiao nang 25 taon, at walang pag-aalinlangang naghahatid ng mga materyales ng pagkukumpuni at pagpapatibay.
Aniya, ang BRP Siera Madre ay balot-sa-bakal na ebidensya ng pangmalayuang paglapastangan sa karapatan at probokasyon ng Pilipinas laban sa Tsina sa South China Sea, pagtaliwas nito sa diwa ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), at pagsira sa kapaligirang ekolohikal ng karagatan.
Hinimok niya ang panig Pilipino na agarang itigil ang mga aksyon ng paglapastangan sa karapatan at probokasyon, at bumalik sa lalong madaling panahon sa tumpak na landas ng maayos na pagkontrol at pangangasiwa sa mga alitan sa pamamagitan ng diyalogo’t negosasyon.
Matibay ang determinasyon ng Tsina sa pagtatanggol ng sariling soberanyang teritoryal at karapata’t kapakanang pandagat, ani Lin.
Salin: Vera
Pulido: Ramil
Tsina sa Pilipinas: agarang itigil ang paglapastangan sa karapatan at probokasyon sa dagat
CMG Komentaryo: Pilipinas, nagiging radikal sa isyu ng South China Sea
Tsina sa Pilipinas: Agarang itigil ang probokasyon at panghihimasok sa SCS
Op-Ed: Patakaran ng kasalukuyang pamahalaang Pilipino sa SCS, mali
MOFA: ang pagkontrol ng CCG sa bapor ng Pilipinas ay propesyonal, mapagpigil, makatwiran at legal