CMG Komentayo: Ang diyalogo at pagsasanggunian ay tamang landas ng paglutas sa alitang pangkalakalan ng Tsina at EU

2024-06-25 14:45:49  CMG
Share with:

 

Sa video meeting nina Wang Wentao, Ministro ng Komersyo ng Tsina at Valdis Dombrovskis, Pangalawang Presidente ng European Commission noong Hunyo 22, 2024, ipinasiya ng dalawang panig na simulan ang pagsasanggunian hinggil sa imbestigasyon ng anti-subsidy ng Unyong Europeo (EU) sa mga de-kuryenteng sasakyan (EVs) ng Tsina.

 

Ipinakikita nito na nagsisikap ang dalawang panig para hawakan at kontrolin ang mga hidwaan ng kalakalan sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.

 

Ang pagdaragdag ng taripa ay hindi makakatulong sa paglutas ng isyu ng kalakalan at magdudulot lamang ito ng paglala ng alitan sa kalakalan.

 

Sa ilang taong nakalipas, isinapubliko ng EU ang mga hakbangin para limitahan ang kalakalan at pamumuhunan ng mga kompanyang Tsino.

 

Halimbawa nito ay ang imbestigasyon ng anti-subsidy ng EU sa EVs ng Tsina na walang lubos na basehan ang katotohanan at legalidad.

 

Kaya, sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian, tatahakin nito ang tamang landas ng paglutas ng isyu ng kalakalan ng Tsina at EU.

 

Bukod dito, ang nabanggit na imbestigasyon ng EU ay hindi kinakatigan ang industriya ng kotse at mga bansang Europeo na gaya ng Alemanya.

 

Ipinalalagay nilang ang mga aksyon ng EU ay makakapinsala sa kapakanan ng mga mamimili at kooperasyon ng dalawang panig sa kadena ng industriya at pagsuplay ng mga kotse.

 

Ayon sa timetable ng EU, nakatakdang ipataw ang pansamantalang taripa ng anti-subsidy mula Hulyo 4 at pagkatapos ng nabanggit na imbestigasyon sa darating na Nobyembre, titiyaking kung komprehensibong daragdagan ba ang taripa sa EVs ng Tsina o hindi.

 

Ibig-sabihin, kakaunti lang ang panahon para lutasin ng Tsina at EU ang isyung ito at hindi kayang lutasin ng trade protectionism ang isyu ng kalakalan ng Tsina at EU.

 

Kooperasyon ang siyang tanging paraan para makapaghatid ng kapakanan sa dalawang panig.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil