Unti-unting nagiging radikal ang gingawang probokatibong hakbang ng Pilipinas sa South China Sea (SCS).
Ayon sa sirkular ng China Coast Guard (CCG), ipinadala, Hunyo 17, 2024 ng Pilipinas ang mga bapor, para ilegal na pumasok sa karagatan ng Ren’ai Jiao sa Nansha Qundao ng Tsina, upang ihatid ang suplay sa ilegal na nakasadsad na bapor-pandigma nito.
Sinasadyang banggain ng mga bapor ng Pilipinas ang mga bapor ng panig Tsino, na normal na naglalayag.
Bilang tugon, isinagawa ng CCG ang katugong hakbangin, alinsunod sa batas.
Kapansin-pansin ang pagiging radikal at probokatibo ang mga aksyon ng Pilipinas, makaraang ipatupad ng Tsina ang mga regulasyon hinggil sa administratibong pagpapatupad ng batas ng CCG.
Kung tatangkaing tawirin ng mga bapor ng Pilipinas ang baseline ng Tsina sa pangangalaga sa karapatan at pagpapatupad ng batas sa dagat, tiyak na gaganti ang panig Tsino.
Kahit paulit-ulit na inihayag ng Pilipinas na naghahatid lamang ang mga bapor nito ng pang-araw-araw na suplay, sa katunayan, ang nasabing mga bapor ay lihim na nagdadala ng mga materyales para sa pagkukumpuni at pagpapatibay, at sandata para sa permanenteng pagsakop sa Ren’ai Jiao.
Ito ang direktang sanhi ng pagsidhi ng kalagayan ng South China Sea.
Ayon sa tagapag-analisa, ang panig militar ng Pilipinas ang siyang namuno sa mga probokatibong aktibidad sa Ren’ai Jiao noong Hunyo 17.
Ipinakikita nitong pina-i-igting ng Pilipinas ang mga probokatibong aksyon sa karagatang nabanggit, at di-makatarungan ang desisyong ito.
Ang mga isla sa South China Sea ay katutubong teritoryo ng Tsina, simula pa noong sinaunang panahon.
May lubos na batayang hurisprudensyal at kakayahan ang Tsina upang harapin ang mga aksyon ng paglapastangan sa karapatan at probokasyon ng mga dayuhan.
Simula Hunyo 15, pormal na nagkabisa ang mga regulasyon hinggil sa administratibong pagpapatupad ng batas ng CCG.
Ito ay hindi lamang unibersal na praktika sa daigdig, kundi makakatulong din sa pagtatanggol sa kaayusang pandagat.
Pero walang tigil na sinisiraan at binabatikos ng Pilipinas ang naturang mga regulasyon para pukawin ang kalooban ng mga Pilipino kontra sa Tsina.
Nananatiling malinaw ang pakikitungo ng Tsina sa isyu ng South China Sea: iginigiit nito ang maayos na paghawak sa mga kontradiksyon at alitang pandagat, sa pamamagitan ng negosasyon sa mga may kinalamang bansa, kasabay ng matatag na pagganti sa anumang paglapastangan sa karapatan at probokasyon sa dagat.
Ito ay lehitimong proteksyon sa karapata’t kapakanang pandagat ng Tsina, at suporta sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Kahit ano ang gawing tangka at hakbang ng ilang Pilipino, tiyak itong mabibigo sa bandang huli.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Tsina sa Pilipinas: Agarang itigil ang probokasyon at panghihimasok sa SCS
Op-Ed: Patakaran ng kasalukuyang pamahalaang Pilipino sa SCS, mali
MOFA: ang pagkontrol ng CCG sa bapor ng Pilipinas ay propesyonal, mapagpigil, makatwiran at legal
Mapanganib na kilos ng panig Pilipino sa pagpapasidhi ng kalagayan, tinututulan ng Tsina