Isang pagdinig ang idinaos Hunyo 25, 2024 ng Senado hinggil sa huwad na impormasyong ipinakalat ng panig militar ng Amerika sa mga Pilipino hinggil sa bakuna at mga materyal sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na mula sa Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag ngayong araw, Hunyo 26, 2024 ng Embahadang Tsino sa Pilipinas na ang isyung ito ay may kinalaman sa kalusugan ng buhay ng mga Pilipino at may kapangyarihan ang mga Pilipino at komunidad ng daigdig na alamin ang katotohanan.
Saad ng Embahadang Tsino, layon ng aksyon ng panig Amerikano na pigilan ang Tsina, sa pamamagitan ng pagsasakripisyo sa kalusugan at buhay ng mga Pilipino.
Kaya dapat kondenahin ito ng mga Tsino, Pilipino, at komunidad ng daigdig, anang embahada.
Saad pa nito, noong panahon ng pandemiya ng COVID-19, ipinagkaloob ng Tsina ang mahigit 57 milyong bakuna at maraming iba pang materyal laban sa COVID-19.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio
Impeksyon ng COVID-19 sa Tsina, mababa - awtoridad ng kalusugan ng Tsina
Unang grupong panturista mula Beijing matapos ang pandemiya ng COVID-19, tinanggap ng Brunei
COVID-19, hindi na ituturing bilang public health emergency - WHO
Pagsasapulitika ng paghahanap sa pinagmulan ng COVID-19, tinututulan ng Tsina