May isang kuwento mula sa mga pabula ni Aesop sa sinaunang Greece na tinatawag na "Ang Lobo na nakadamit ng Tupa." Ang implikasyon ay ang hitsura ng isang bagay kung minsan ay nagtatago ng esensya nito, kaya hindi tayo maaaring gumawa ng mga konklusyon batay lamang sa panlabas na anyo.
Sa tingin ko, ang pabula na ito ang pinakaangkop na paglalarawan ng Amerika sa ngayon.
Ayon sa isang investigation report na inilabas kamakailan ng Reuters, sinabi nito na sa panahon ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), upang pigilan ang impluwensya ng Tsina, inilunsad ng panig militar ng Amerika ang isang lihim na operasyon na partikular na pinupuntirya ang Pilipinas. Ginamit ng Amerika ang mga social media platforms upang gayahin ang mga Pilipino sa pagpapalaganap ng mga pekeng impormasyong na ang mga bakuna at materyales mula sa Tsina laban sa COVID-19 ay di maligtas.
Ang ganitong mga pekeng impormasyon ay nag-udyok sa kawalang tiwala at takot ng mga Pilipino sa mga bakunang Tsino, na naging dahilang ang Pilipinas ay naging isa sa mga bansa sa Timog Silangang Asya na may pinakamababang antas ng pagbabakuna at may pinakamataas na bilang ng mga namamatay. Sampu-sampung libong mga Pilipino ang namatay dahil sa epidemiya.
Sa ulat, sinipi ng Reuters ang pananalita ng isang mataas na opisyal ng militar ng Amerika na sangkot sa nasabing lihim na operasyon na nagsasabing “Kami (ang Amerika) ay hindi gumawa ng magandang trabaho sa pagbabahagi ng mga bakuna sa mga katuwang na bansa, kaya ang tanging magagawa namin ay siraan ang mga bakuna ng China.”
Kung ang isang tao ay mabuti sa iyo o hindi ay nakasalalay hindi sa kung ano ang kanyang sinasabi, kundi sa kung ano ang kanyang ginagawa. Ang Amerika ay nagpapahayag ng malakas at malinaw na pangako nito sa mga kaalyado nito araw-araw, ngunit sa mga kritikal na sandali tulad ng paglaban sa epidemya kapag kailangan nating magtulungan sa pagharap sa mga problema, iginigiit ng Amerika ang “America First” at inilagay ang mga mamamayang Pilipino sa matinding kahirapan. Para sa mga mamamayang Pilipino, ang Amerika ay isang tunay na lobo sa pananamit ng tupa.
Sa isang panayam, sinabi ni Anna Malindog-Uy, Pangalawang Direktor ng Asian Century Philippines Strategic Studies Institute (ACPSSI), na ang mga aksyon ng Estados Unidos ay direktang nakapinsala sa mga mamamayang Pilipino. Sinabi niya na sinisiraan ng Amerika ang mga bakunang Tsino batay sa mga heopulitikal na motibo at pinahina ang pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa COVID-19. Ito aniya ay nagpapakita ng masidhing hangarin ng Amerika sa pagpapanatili ng hegemonya nito.
Bukod pa riyan, nagpahayag din ng matinding galit ang mga netizen sa Pilipinas sa lihim na operasyon ng panig militar ng Amerika upang siraan ang mga bakunang Tsino.
Sa kanyang iniwang komento sa social media platform, sinabi ni Ajud, netizen ng Pilipinas, na “Ang punut dulo ng ating malawakang prolema hindi lamang dito kundi sa buong munco ay ang imperaismo at hegemonik interes at mga kasangkapan, pamamaraan na ginagamit ng dayuhang grupo sa pamumuno ng US kasama ng NATO or Western Powers,” ito ang iniwang komento ni Ajud, netizen ng Pilipinas sa social media platform.
Kung tutuusin, ang paninirang-puri sa mga bakunang Tsino ay “tip of the iceberg” lang ng backstab ng Amerika laban sa Pilipinas. Noong Marso pa lamang ng taong ito, ibinunyag ng Reuters na ang Central Intelligence Agency (CIA) ay pinahintulutan ng administrasyon ni Donald Trump noong 2019 na siraan at punahin ang inisyatiba ng “Belt and Road” sa mga Chinese social media platforms at magbigay ng mapanirang-puri na impormasyon laban sa Tsina sa mga dayuhang media.
Sa katunayan, sapul nang iharap ang “Belt and Road” Initiative, walang patid na nagtutulungan ang Tsina at Pilipinas sa maraming larangan at natamo ang kapansin-pansing bunga sa konstruksyon ng imprastruktura, kabuhayan at kalakalan, pagpapalitang tao-sa-tao at iba pang larangan, bagay na nakakapaghatid ng mga pragmatikong benepisyo sa mga mamamayan ng kapuwa bansa. Ang paninirang-puri laban sa inisyatibang ito ay ganap na dahil sa baluktot na kaisipan ng ilang politikong Amerikano na "hindi nakakakita ng mabuti sa iba.”
Bukod dito, matagal nang inuudyukan at hinihikayat ng Amerika ang Pilipinas sa pagsasagawa ng mga probokatibong aksyon sa Tsina sa isyu ng South China Sea (SCS), bagay na hakbang-hakbang na nagtulak ng Pilipinas sa cliff. Malinaw din itong nakikita ng ilang Amerikano.
“Ang Amerika ay hindi kailanman naging kaibigan ng mga Ukrainians, at hindi kailanman naging kaibigan ng mga Pilipino. Kami (ang Amerika) ay gumagamit sa iyo, ikaw ay isang kasangkapan lamang. Walang iba kundi isang kasangkapan. At kapag ang kasangkapang ito ay hindi na nagagamit, iiwan ka naming. Kadalasan, ang pag-abandona sa iyo ay nangangahulugang darating ang isang digmaan na magwawasak sa iyo.”
Ito ang sinabi ni William Scott Ritter Jr., dating punong tagapagsiyasat ng mga sandata ng United Nations (UN) sa Iraq at dating intelligence officer ng U.S. Marine Corps, sa isang press conference sa Schiller Institute, isang German think tank, bilang tugon sa isang tanong ng mamamahayag na Pilipino tungkol sa isyu ng South China Sea.
Sa kasalukuyan, nakita na ng ilang mamamayang Pilipino ang masasamang hangarin ng Amerika at nananawagan sa kanilang mga kababayan na manatiling mapagmatyag at iwasang gamitin ng Amerika.
Sinabi ni Billy Almighty, Pilipinong netizen sa social media platform, na “ClA STYLE. Gumawa ng tensyon para majustify ang US military presesnce sa Region.”
“Totoo po ang sinasabi nyo tungkol sa tunay na namukha ng US, gawing halimbawa ang nangyari sa mga bansang pinakialaman ng bansang iyan, halimbawa ang Iran at Libya at iba pa,” ito ang iniwang komento ni netizen Francisconarceda sa isang program sa Youtube.
Ang kasaysayan ay ang pinakamahusay na aklat-aralin na sinasabi nito na ang pagiging ahedres ng Amerika ay hahantong sa kasawian.
Tulad ng sinabi ng Amerikanong iskolar na si Bernard Lewis sa “Notes On A Century,”“Ang totoong problema bilang isang alyansa ng Amerika ay hindi mo alam kung kailan ito tatalikod at sasaksakin ka sa likod.”
Sa kasalukuyan, nasa crossroad ang relasyong Sino-Pilipino. Mayroon pa ring pagkakataon sa pagpili ang Pilipinas: una, panatilihin ang mabuting pakikipagkaibigan sa kapuwa bansa, kapit-bisig na pangasiwaan at kontrolin ang pagkakaiba, lalo na isagawa ang mga aksyon upang mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea, ito ay angkop sa komong pakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan; ikalawa, patuloy na hamunin ang soberanya ng teritoryo ng Tsina sa South China Sea at sundin ang landas ng Amerika sa kadiliman.
May-akda / Salin: Lito