Inihayag, Hunyo 21, 2024, ng Marine Corps ng Amerika (USMC), na sa darating na ilang taon, maglalagay ito sa Guam ng “Littoral Regiment” na may kapabilidad sa mabilis na pagtugon.
Dagdag ng USMC, layon nitong labanan ang anumang “pag-atake mula sa Tsina,” at pangalagaan ang mga kaalyado nitong gaya ng Hapon, Pilipinas, at iba pa.
Hinggil dito, sinabi ngayong araw, Hunyo 27, 2024, ni Tagapagsalita Wu Qian ng Ministri ng Tanggulang-bansa ng Tsina, na alinsunod sa di-umiiral na “banta,” palaging idine-deploy ng Amerika ang militar nito sa Asya-Pasipiko, naghahasik ng komprontasyon, at nagpapalala ng kalagayan.
Matatag aniya itong tinututulan ng Tsina.
Ani Wu, hindi nais ng Tsina ang kaguluhan, pero kung magkakaroon ng gulo, hindi ito yuyukod.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio