CMG Komentaryo: Pilipinas, kasangkapan lang ng Amerika

2024-06-27 15:29:03  CMG
Share with:

Sa isang panayam kamakailan, sinabi ni Mahathir Mohamad, dating punong ministro ng Malaysia, na ang Amerika ay hindi bansa sa rehiyon ng South China Sea, pero gusto nitong udyukan ang komprontasyon sa pagitan ng mga bansa, at patnubayan ang paglulunsad ng digmaan, tulad ng nagaganap sa pagitan ng Ukraine at Rusya.

 

Aniya, kung sisiklab ang digmaan, maaaring magbenta ng maraming sandata ang Amerika.

 

Samantala, sa isang news briefing ng Schiller Institute, think tank ng Alemanya, tinukoy ng ilang dating opisyal ng Amerika na sa katunayan, ginagamit ng Amerika ang Pilipinas para likhain ang kondisyon sa pakikipagsagupaan sa Tsina.

 


Anila, ang Pilipinas ay kasangkapan lang ng Amerika, at hindi nito itinuturing na kaibigan ang Pilipinas.

 

May dalawang saligang kamalian ang Pilipinas sa isyu ng South China Sea at relasyon sa Tsina.

 

Una, ang pundamental na layunin ng mga patakarang diplomatiko ng Amerika ay pangangalaga lamang sa hegemonya nito sa rehiyong Asya-Pasipiko at buong mundo, at kailangan nitong sugpuin at bigyang-dagok ang mga nakatagong kakompetisyon.

 

Ibig sabihin, ang pakikialam ng Amerika sa mga suliranin sa South China Sea ay hindi para sa alyansa o pagkakaibigan sa Pilipinas, at ang Pilipinas ay itinuturing nitong kasangkapan sa paninikil sa Tsina.

 

Syempre, bilang isang adheres, maaari nitong talikuran ang Pilipinas kung wala na itong halaga.

 

Ika-2, bulag ang Pilipinas sa kusang-loob na pagsali sa sagupaan sa mga kapitbansa.

 

Ang Pilipinas ay kolonya minsan ng Amerika, at grabeng dumedepende sa Amerika sa mga suliraning panlabas nito.

 

Sa kabila ng tunay na kapakanan ng bansa, ginagamit ng mga pulitikong Pilipino ang kapangyarihan upang hangarin ang personal na kapakanan. Mapanganib at kalunus-lunos ang ganitong aksyon para sa mga mamamayang Pilipino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio