Kaugnay ng walang pahintulot na pagpasok ng mga bapor ng Pilipinas sa karagatan ng Ren’ai Jiao ng Tsina, Hunyo 17, 2024, inihayag ngayong araw, Hunyo 20, ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang kaukulang pananalita ng panig Pilipino ay pagbaligtad sa tama’t mali, at pagbunton ng sisi sa Tsina.
Aniya, ang Ren’ai Jiao ay bahagi ng Nansha Qundao ng Tsina, at teritoryo rin ng bansa.
Ang walang pahintulot na pagpasok ng Pilipinas sa karagatan ng Ren’ai Jiao ay labag sa pandaigdigang batas, taliwas sa diwa ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), at walang katuwirang probokasyon, dagdag niya.
Dagdag ni Lin, lihim na nais maihatid ng naturang mga bapor ng Pilipinas ang mga materyales para sa pagkukumpuni at pagpapatibay ng nakasadsad na BRP Siera Madre, higit sa lahat, maghatid ng mga sandata.
Sinadya rin aniyang binangga ng mga bapor Pilipino ang mga bapor Tsino, at sinabuyan ng tubig at hinagisan ng kung anu-ano ng mga sundalong Pilipino ang mga alagad ng batas ng Tsina.
Aniya, ang kaukulang kilos ay malinaw na nagpasidhi ng maigting na kalagayan sa dagat, at malubhang nagsapanganib sa seguridad ng mga tauhan at bapor Tsino.
Makatuwiran, lehitimo, propesyonal, at mapagtimpi ang pagsasagawa ng kinakailangang hakbangin ng panig Tsino upang ipagtanggol ang sariling soberanya, saad ni Lin.
Dagdag niya, matatag na pangangalagaan ng Tsina ang sariling lehitimong karapatan at kapakanan, at hinihimok ang panig Pilipino na agarang itigil ang paglapastangan sa karapatan at probokasyon sa dagat, kung hindi, isasabalikat nito ang lahat ng mga grabeng resulta.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
CMG Komentaryo: Pilipinas, nagiging radikal sa isyu ng South China Sea
Tsina sa Pilipinas: Agarang itigil ang probokasyon at panghihimasok sa SCS
Op-Ed: Patakaran ng kasalukuyang pamahalaang Pilipino sa SCS, mali
MOFA: ang pagkontrol ng CCG sa bapor ng Pilipinas ay propesyonal, mapagpigil, makatwiran at legal