Sariling reporma, susi para sa pagpapanatili ng kasiglahan ng CPC

2024-07-01 17:51:43  CMG
Share with:

Ang Hulyo 1, 2024 ay ika-103 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

 

Sapul nang itatag ng Partido ang Republika ng Bayan ng Tsina noong 1949, walang tigil itong namumuno sa loob ng 75 taon.

 

Pinakamahaba ang tuluy-tuloy na paghahari nito sa modernong kasaysayan ng daigdig.

 


Bakit nananatiling masigla ang CPC?

 

Ang sagot ayon kay Xi Jinping, Kataas-taasang Lider ng CPC ay sariling reporma ng Partido.

 

Sa sistema ng CPC, kinikilala nito ang sarili bilang naghaharing partido at partido ng rebolusyon.

 

Sa proseso ng pagpapasulong sa rebolusyong panlipunan, dapat isagawa ng CPC ang sariling reporma.

 


Pinaghalu-halo ni Xi Jinping ang pundamental na teorya ng Marsismo, konkretong kalagayan ng Tsina at tradisyonal na kultura ng bansa, at iniharap ang saligang teorya sa pagtatatag ng Partido sa makabagong panahon sa pamamagitan ng “sariling reporma.”

 

Ito rin ang sagot sa pagsasakatuparan ng pangmalayuang seguridad at kapayapaan ng bansa.

 

Malinaw niyang ipinaliwanag ang mga nilalaman at elemento ng teoryang ito: pagpuksa sa korupsyon sa loob ng Partido, pagkumpleto ng sarili, pagpapahalaga sa inobasyon, at paghahangad ng pag-unlad.

 

Sapul nang manungkulan siya bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, walang humpay na pinapabuti ni Xi ang istandardisadong sistema ng sariling reporma ng Partido, tuluy-tuloy na pinapasulong ang ganap at mahigpit na pangangasiwa sa CPC, matatag na binibigyang-dagok ang korupsyon, at pinamumunuan ang buong Partido at lahat ng mga mamamayang Tsino, upang pasulungin ang usapin ng sosyalismong may katangiang Tsino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio