Pahayag ng CCG kaugnay ng paglilipat ng Pilipinas ng mga tauhan at materyales sa ilegal na nakatigil na bapor sa Xianbin Jiao

2024-07-02 16:05:58  CMG
Share with:

Ayon kay Tagapagsalita Liu Dejun ng China Coast Guard (CCG), ipinadala Lunes, Hulyo 1, 2024 ng Pilipinas ang tatlong coast guard vessel para ilipat ang mga tauhan at materyales sa ilegal na nakatigil na bapor 9701 ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Xianbin Jiao, at sinubaybayan ng CCG ang buong proseso.

 

Aniya, may di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa Nansha Qundao na kinabibilangan ng Xianbin Jiao at nakapaligid na rehiyong pandagat.

 

Ang pananatili ng mga bapor ng Pilipinas sa Xianbin Jiao ay lumalapastangan sa soberanyang teritoryal at karapata’t kapakanang pandagat ng Tsina, lumalabag sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), at nakakasira sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea, buong tatag na tinututulan ito ng panig Tsino, dagdag niya.

 

Saad ni Liu, ipapatupad, tulad ng dati, ng CCG ang batas sa pangangalaga sa sariling karapatan sa pinangangasiwaang rehiyong pandagat nito, at buong tatag na ipagtatanggol ang soberanyang teritoryal at karapata’t kapakanang pandagat ng bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil