Pinamagatang “Powered by Nature, Powering the Future,” ginaganap sa lunsod Xiamen, lalawigang Fujian, gawing timog-silangang Tsina mula Hulyo 6 hanggang Agosto 4, 2024, ang isang eksibisyon ng agham at sining.
Bilang kauna-unahan sa serye ng mga aktibidad sa ilalim ng 2024 China Climate Action Week (CCAW), tampok sa eksibisyon ang pinaghalong agham, sining at interaksyon.
Sa ilalim ng temang “renewable energy,” may dalawang kabanata ang eksibisyon: “Symbiosis / Challenge” at “Symbiosis / Rebuild.”
Layon nitong ipakita ang mga hamon sa pagbabago ng klima na kinakaharap ng sangkatauhan, hanapin ang mga elemento sa pag-unlad ng lipunan na nagwawalang-bahala sa kapaligiran, itaas ang kamalayan ng lipunan sa paggamit ng renewable power mula sa kalikasan, at itatag ang may harmonyang sistemang ekolohikal sa pamamagitan ng mga inobatibong teknolohiya.
Itinatanghal dito ang ilampung likhang-sining ng mga artistang Tsino’t dayuhan, instalasyong gawa ng living microorganism, at mga likhang nakapokus sa renewable energy at berde’t mababang karbong pamumuhay.
Ipinakikita ng mga likhang-sining ang konsepto ng mga artista sa pagpapahalaga at paggalang sa ganda ng kalikasan.
Ang eksibisyong ito ay inilunsad ng World Wide Fund for Nature (WWF), at magkakasamang itinataguyod ng SM Supermalls China, WWF, One Planet Foundation (OPF), at Art & Science Research Center.
Ulat: Vera
Pulido: Rhio / Liu Kai
Litrato: SM Supermalls China