Kaugnay ng paglabas ng kaukulang organo ng Tsina ng ulat hinggil sa pagpapakalat ng panig Amerikano ng pekeng impormasyon ng umano’y "Volt Typhoon" cyber threat narrative, inihayag Lunes, Hulyo 8, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mariing kondemnasyon ng panig Tsino sa ganitong iresponsableng kilos ng panig Amerikano.
Hinimok niya ang panig Amerikano na gawin ang paliwanag dito, agarang itigil ang paninirang-puri sa Tsina, at pangalagaan ang kapayapaan at seguridad ng cyberspace, batay sa responsableng pakikitungo.
Saad ni Lin, walang paliwanag ang panig Amerikano sa naturang ulat ng Tsina, sa halip, walang tigil na ikinalat ng puno ng National Security Agency (NSA) ng Amerika ang pekeng impormasyon hinggil sa umano’y “Volt Typhoon.”
Higit sa lahat, tinukoy ng makabagong ulat na ipinataw ng pamahalaang Amerikano ang presyur sa kaukulang kompanya ng cyber security, at hiniling sa kanila na baguhin ang ulat ng pag-aanalisang teknikal kung saan nagpapatunay na ang “Volt Typhoon” ay isang ransomware group, dagdag ni Lin.
Salin: Vera
Pulido: Ramil