Isang ulat ang muling inilabas ngayong araw, Hulyo 11, 2024 ng Tsina hinggil sa umano’y arbitral award sa South China Sea.
Ipinaliwanag ng ulat ang mga dahilan ng alitan sa South China Sea, at sinuri ang mga isyung hurisdiksyonal sa arbitral award.
Nagbigay rin ito ng legal na paliwanag sa mga karapatang historikal at katayuan ng mga isla at archipelago, at inimbestigahan ang representasyon ng arbitration tribunal.
Layon nitong ibunyag ang kamalian ng arbitral award at kapinsalaang idinulot nito sa internasyonal na alituntuning pambatas.
Ayon sa ulat, patuloy na igigiit ng pamahalaang Tsino ang polisya ng di-pagsali at di-pagtanggap sa unilateral na arbitrasyong isinumite ng Pilipinas, sa kondisyon ng pagmamalabis sa mekasnimo ng pagresolba sa alitan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at pagpipikit-mata sa paninindigan ng Tsina sa pagkontrol at pagresolba sa mga alitan sa pamamagitan ng talastasan at negosasyon.
Anito pa, hinding-hindi kikilalan ng pamahalaang Tsino ang ilegal na arbitral award ng arbitration tribunal at anumang paninindigan at aksyong nakabatay rito.
Salin: Vera
Pulido: Rhio