Hinimok Biyernes, Hulyo 12, 2024 ni Tagapagsalita Zhang Xiaogang ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina ang panig Pilipino na agarang paalisin ang mga tauhan at bapor na ilegal na nakatigil sa Xianbin Jiao, at huwag ipagpatuloy ang pagtahak sa maling landas.
Aniya, may di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa Nansha Qundao na kinabibilangan ng Xianbin Jiao, at lehitimo’t makatuwiran ang operasyon ng panig Tsino sa pagpapatupad ng batas.
Ang kaukulang kilos ng panig Pilipino ay malubhang lumapastangan sa soberanya ng Tsina, at lumabag sa Declaration on the Conduct of the Parties in the South China Sea (DOC), lalong lalo na, sa Ika-5 Artikulo, dagdag niya.
Ang ganitong aksyon ay lumikha ng mga bagong tensyon sa South China Sea, at ibayo pang nakasira sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon, saad ni Zhang.
Salin: Vera
Pulido: Ramil