Paglitaw ng aircraft carrier Shandong sa karagatang malapit sa Pilipinas, para sa taunang regular na pagsasanay

2024-07-12 16:47:39  CMG
Share with:

Kaugnay ng ulat hinggil sa paglitaw ng aircraft carrier Shandong ng Tsina sa karagatang malapit sa Pilipinas, inihayag ngayong araw, Hulyo 12, 2024 ni Tagapagsalita Zhang Xiaogang ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina na ang pagpunta ng hanay ng hukbong pandagat ng Tsina sa kaukulang karagatan para sa open-sea training ay taunang regular na areglo.

 

Ito ay umaangkop sa pandaigdigang batas at praktika, at hindi nakakatuon sa anumang takdang target, dagdag niya.

 

Ani Zhang, sa hinaharap, regular na oorganisahin ng hukbong pandagat ng Tsina ang ganitong pagsasanay, upang walang humpay na pataasin ang kakayahan ng hanay ng aircraft carrier sa pakikibaka.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil