CMG Komentaryo: Ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino ay nagdudulot ng bagong pagkakataon para sa daigdig

2024-07-16 11:19:13  CMG
Share with:

Noong Hulyo 15, 2024, inilabas ng pamahalaang Tsino ang datos ng pambansang kabuhayan noong unang hati ng taong ito.

 

Ayon sa datos, ang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ng Tsina ay umabot sa halos 61.6 trilyong yuan RMB na lumaki ng 5.0% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2023. Ibig sabihin, nananatiling mabango ang tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino.

 

Sapul nang pumasok ang taong ito, mahinahon ang puwersa ng paglaki ng pandaigdigang kabuhayan at tumitindi ang alitan ng heopulitika.

 

Sa pagharap sa mga hamon ng kalagayang pandaigdig, ipinapakita ng paglaki ng kabuhayang Tsino ang mahalagang puwersa sa pagpapatatag at pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

 

Sa kabilang dako naman, ang kabuhayang Tsino ay nagdudulot ng maraming pagkakataon para sa kabuhayang pandaigdig at ito ang unang pagkakataon para sa pamilihang Tsino.

 

Noong unang hati ng taong 2024, ang kabuuang halaga ng retail sales ng mga paninda ng lipunang Tsino ay lumaki ng 3.7% kumpara sa gayun ding panahon ng taong 2023, na nagdulot ng maraming benepisyo para sa pondong dayuhan.

 

Kasabay nito, ang de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayang Tsino ay nagdulot ng bagong pagkakataon para sa mga bahay-kalakal na transnasyonal.

 

Ang katatagan at pagpapatuloy ng patakarang Tsino ay nagkaloob ng malawak na espasyo sa pag-unlad ng mga bahay-kalakal na pinapatakbo ng pondong dayuhan.

 

Kasunod ng buong sikap na pagpapasulong ng kasiglahan ng merkado at pag-unlad ng bagong kalidad ng produktibidad, may kompiyansa ang Tsina sa pagsasakatuparan ng target ng pag-unlad sa taong 2024.

 

Kasabay nito, makikinabang ang buong daigdig sa pag-unlad ng Tsina.

 

Salin: Ernest

Pulido: Ramil