4, patay sa pamamaril sa isang mosque sa Oman

2024-07-17 15:02:03  CMG
Share with:

KUWAIT CITY— Apat (4) katao ang napa-ulat na nasawi at ilang iba pa ang sugatan sa pamamaril, Hulyo 16, 2024, malapit sa Sultan Qaboos Grand Mosque, probinsya ng Muscat, hilagang-silangang ng Oman.


Ayon sa pulisya, inaresto na ang mamamaril at kasalukuyang ini-imbestigahan ang motibo.


Isinasagawa na rin ng panig pulisya ang mga kinakailangang hakbang pangkaligtasan.


Inihayag ng pulisya ang pagdadalamhati sa mga biktima at nasugatan at pakikiramay sa kanilang mga kanag-anakan.


Salin: Weiyang SHI

Pulibo: Rhio