Di-kukulangin sa 23 katao, patay sa atakeng panghimpapawid ng Israel sa paaralan sa Gaza Strip

2024-07-17 15:32:06  CMG
Share with:

Ipinahayag Hulyo 16, 2024 ng tanggapang pang-media ng Islamic Resistance Movement (Hamas), na di-kukulangin sa 23 katao ang patay, samantalang 73 iba pa ang sugatan sa atakeng panghimpapawid ng Israel sa isang paaralan, sa loob ng kampo ng mga inilikas, sa Nuseirat, gitnang bahagi ng Gaza Strip.


Bukod dito, inatake rin ng Israel ang Mawasi, sa Khan Younis, katimugang bahagi ng Gaza Strip, na nagdulot ng 17 kasuwalti at 26 na sugatan, dagdag ng Hamas.


Mula nang sumiklab ang sigalot sa pagitan ng Israel at Palestina noong Oktubre 7, 2023, higit 38,000 katao na ang nasasawi, at higit 89,000 ang naitalang sugatan sa sagupaan. 


Salin: Xuemeng Du

Pulido: Rhio