Ika-9 na pagsusuri sa patakaran sa kalakalan ng Tsina, idinaos ng WTO

2024-07-19 15:14:01  CMG
Share with:


Idinaos, Hulyo 17, 2024 sa Geneva, Switzerland, ng World Trade Organization (WTO) ang ika-9 na pagsusuri sa patakaran sa kalakalan ng Tsina


Ito ay tumagal ng dalawang araw, at nilahukan ng delegasyong Tsinong pinamumunuan ni Li Fei, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina.


Pinuri ng mga kinatawan ng mga miyembro ng WTO ang positibong kontribusyon ng Tsina sa pagpapalago ng pandaigdigang ekonomiya at pagpapanatili ng multilateral na sistema ng kalakalan.


Ang mga hakbang ng Tsina sa pagpapalalim ng reporma at higit pang pagbubukas sa labas ay napaka-inam, anila pa.