Sinabi Hulyo 17, 2024, ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinasya ng kanyang bansang itigil ang pakikipag-usap sa Amerika tungkol sa kontrol ng armas at di-pagpapalaganap ng sandata.
Aniya, ang panig Amerikano ang responsable sa kalagayang ito.
Dagdag pa ni Lin, nakahanda ang Tsina na makipag-ugnayan sa Amerika sa mga internasyonal na isyu sa kontrol ng armas sa ilalim ng mga prinsipyong mutuwal na paggalang, mapayapang pakikipamuhayan, at kooperasyon tungo sa magkasamang pakinabang.
Kailangang igalang ng Amerika ang pangunahing interes ng Tsina at lumikha ng mga kinakailangang kondisyon para sa diyalogo at pag-uugnayan ng dalawang panig, aniya.