Magnityud 6.4 na lindol, niyanig ang Guatemala

2024-07-22 16:23:07  CMG
Share with:

Inihayag, Hulyo 20, 2024 ng Instituto sa Sismolohiya, Bulkanolohiya, Meteorolohiya, at Idrolohiya ng Guatemala, na naganap sa bansa ang 6.4 magnityud na lindol, at hanggang sa kasalukuyan ay wala pang na-i-ulat na namatay o nasugatan.


Anito, nangyari ang lindol sa alas 8:53 ng gabi (lokal na oras), Hulyo 20, sa lalim na 221.2 kilometro, malapit sa lungsod ng Quezada, lalawigang Jutiapa sa timog ng Guatemala.


Salin: Mamei Yuena

Pulido: Rhio