Beijing — Nakipag-usap, Hulyo 22, 2024 si Wang Yi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministrong Panlabas ng bansa, kay Moosa Zameer, Ministrong Panlabas ng Maldives.
Sinabi ni Wang na nakahanda ang Tsina na aktibong ipatupad ang mahalagang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa, palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal, pahigpitin ang mapagkaibigang pagpapalitan sa lahat ng antas, at palakasin ang kooperasyong may mutual na kapakinabangan sa iba’t ibang larangan.
Sinabi naman ni Zameer na naniniwala ang Maldives na ang komprehensibong pagpapalalim ng reporma ng Tsina ay magdadala ng higit pang benepisyo sa mundo.
Aniya, buong tatag na iginigiit ng Maldives ang prinsipyong isang-Tsina, at nakahandang patuloy at aktibong makilahok sa magkakasamang konstruksyon ng "Belt and Road" upang palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa mga larangang tulad ng kauhayan at kalakalan, pinansya, turismo, kultura at iba pa.
Salin: Shi Weiyang
Pulido: Ramil