Tigil-putukan sa Gaza Strip, tinalakay ng mga pangulo ng Ehipto at Pransya

2024-07-17 15:55:07  CMG
Share with:

Pinag-usapan sa telepono, Hulyo 16, 2024 nina Pangulong Abdel-Fattah al-Sisi ng Ehipto at Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya ang hinggil sa pagpapasulong ng tigil-putukan sa Gaza Strip at iba pang isyu.

 

Inulit ng dalawang lider na kailangang ipatupad ang two-state solution, dahil ito ang pinakamagandang paraan ng pagsasakatuparan ng pangmatagalang seguridad at katatagan sa rehiyon.

 

Samantala, ipinahayag nang araw ring iyon ng palasyong pampanguluhan ng Ehipto, na ipinagdiinan ni Pangulong Abdel-Fattah al-Sisi ang pagbubuklud-buklod ng puwersang pandaigdig, upang mapasulong ang mediyasyon, at ma-ipagkaloob ang sapat na makataong tulong sa mga mamamayan sa Gaza Strip.

 

Anang pahayag, kapuwa ipinalalagay ng dalawang lider na makabuluhan ang pagpapalakas ng pandaigdigang kooperasyon upang maiwasan ang paglawak ng sagupaan, at pagsadlak ng rehiyon sa bagong kabanata ng sagupaan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio