166 na kaso ng pang-aabusong sekswal, kinasasangkutan ng mga sundalong Amerikano sa Hapon

2024-07-23 16:21:26  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ng mediang Hapones Hulyo 22, 2024, sinabi ng National Police Agency ng Hapon na mula noong 1989 hanggang Mayo 2024, umabot na sa 166 na kaso ng pang-aabusong sekswal ang kinasasangkutan ng mga sundalong Amerikano sa Hapon.

 

Noong katapusan ng Hunyo ngayong taon, ibinunyag ng mediang Hapones ang dalawang kaso ng pang-aabusong sekswal sa mga kababaihan ng Okinawa ng sundalong Amerikano na nakabase sa Hapon, na naganap noong nakaraang Disyembre at Mayo ngayon taon. Ngunit, hindi ito isinapubliko ng pamahalaan ng Hapon o ipinaalam man sa pamahalaan ng Okinawa kung saan ikinagalit ito ng publiko.

 

Ayon sa ulat ng Kyodo News, bukod sa Okinawa, sa mga nakaraang taon, mayroon ding mga kaso ng pang-aabusong sekswal ng mga sundalong Amerikano sa mga base militar nito sa Aomori, Kanagawa, Yamaguchi, at Nagasaki at iba pang lugar, na hindi isinapubliko at hindi ipinaalam sa mga lokal na pamahalaan.

 

Salin: Du Xuemeng

Pulido: Ramil