Papel ng UN bilang nukleong plataporma para sa pagpapatupad ng multilateralismo, kailangang palakasin – Xi Jinping

2024-07-05 11:29:52  CMG
Share with:

Habang nakikipagtagpo Huwebes, Hulyo 4, 2024 sa Astana, Kazakhstan kay Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN), tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kailangang palakasin ang papel ng UN bilang nukleong plataporma ng pagpapatupad ng multilateralismo at pagpapasulong sa pangangasiwang pandaigdig.

 

Kahit anuman ang pagbabagong mangyari sa kalagayang pandaigdig, sa mula’t mula pa’y iginigiit ng Tsina ang tunay na multilateralismo, at sinusuportahan ang pagpapatingkad ng UN ng nukleong papel sa mga suliraning pandaigdig, dagdag niya.

 


Inihayag naman ni Guterres ang pag-asa ng UN na pag-iibayuhin ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa panig Tsino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil